In art[e] and out of it

Inarte. Yan ang dahilan kung bakit ko kinailangan isulat to. Take note, di ko ginusto, pero kinailangan ko. Di ko malilimutan ang cardinal rule ng teacher ko sa Speech and Drama nung highschool- BAWAL MAGINARTE!

True enough, applicable sya sa lahat ng aspeto ng buhay, lalo na sa trabahong napasok, pinasok, at papasukin mo.

Ang akin lang, before you start whining about things at work, make sure that you too are doing your part. Remember, responsibilidad ng kumpanyang pinasukan mo na pasahurin ka ng sapat at tama sa oras, pero para gawin nila ito, responsibilidad mo naman na gawin din ang trabaho mo.

Di ka ipinasa sa interview ng HR para huthutan mo lang ng pera ang kumpanya. Di ka binayaran para matulog sa opisina. Di ka kinontratahan at tinakot ng bond para tumunganga at mag internet buong maghapon.

You have to keep in mind that you create your own work environment. Ikaw ang makibagay, wag mong hintaying sila ang magadjust para sa yo. Kung ikaw ang bago, ikaw ang lumuhod, wag na ma-pride at magmagaling. Ikaw ang dapat lumabas sa comfort zone mo.

Nakakalungkot isipin na kahit gaano ka- simple ng mga bagay na to, kahit pa sabihing common sense na lang dapat, meron pa rin talagang makikitid ang utak na kung umasta eh daig pa ang may- ari ng opisina.

Sa pagtatrabaho, essential din minsan ang mag- arte, yun lang, keep the timing in mind . You have to learn when to start making inarte and when to stop acting up. At least, when you bitch about something, give something back. Hindi yung puro ka lang reklamo, di mo naman ginagawa trabaho mo, then you complain that you’re not learning anything, you’re stagnating, you’re bored. Chong, ikaw na nagsabi, productivity beats boredom so why bother with boredom when you can choose to be productive?

And yes, patungkol lahat sa yo to. Ikaw na nagmamagaling instead na magpagaling. Ikaw na kung pumasok eh kala mo bayaran para mag internet maghapon. Nakakapikon ka na dahil kaming nagtatrabaho eh sumasakit ang ulo tapos magpaparinig ka na stressed at pagod ka sa “worthless job” mo.

Tama na’t nasobrahan na ang litanya ko. Masaya ako na finally, you’ve decided to hand in those papers. I finally found something that you did right.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s